Matapos ang walong linggong rollback – oil price hike, namumuro!

Matapos ang apat na linggong sunud-sunod na rollback sa gasolina; at walong linggo naman sa diesel at kerosene – namumuro naman sa susunod na linggo ang bagong round ng oil price hike.

Ayon sa oil industry sources, may inaasahang dagdag na P1.30 hanggang P1.70 sa kada litro ng diesel.

Sa gasolina, mayroon ding bahagyang price hike na inaasahan sa P0.10 hanggang P0.40 kada litro.

Maaari rin ang P0.80 hanggang P1.30 na umento sa kada litro ng kerosene.

Matatandaaang nitong Martes lang nang ipatupad ang big-time price rolback na P3.40 sa diesel; P1.70 sa gasolina; at P4.40 sa kerosene.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *