Matataas na uri ng baril at granada, nakumpiska mula sa isang lalaki sa Laguna

Nahaharap na ngayon sa kasong paglabag sa RA 10591 o “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act” ang isang lalaki matapos na makuhanan ng mataas na uri ng armas at granada sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad sa Calauan, Laguna.

Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn G. Silvio, Acting Provincial Director, Laguna PPO ang suspek na si alyas Richil.

Ayon sa report ng Calauan Municipal Police Station, sa bisa ng search warrant ay hinalughog ng mga awtoridad ang bahay ng suspek at dakong 6:45 ng umaga Nobyembre 27, 2022 kung saan nakumpiska ang mga armas.

Kabilang sa mga nakuha mula kay alyas Richil ang isang improvised M16 rifle, isang kalibre 45 pistol, isang kalibre 22 revolver, isang 40mm grenade HE, labing-isang piraso ng kalibre .223 na bala, sampung pirasong kalibre 45 na bala, isang pirasong 12 guage shotgun na bala, isang magazine ng M16 rifle, isang magazine ng kalibre 45, isang magazine ng kalibre 38, dalawang black hard case, dalawang holster at isang kalibre 45 fired cartridge.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Calauan MPS ang naturang suspek.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *