Matt Aquino, na anak ni PBA legend Marlou, sumali sa Shinshu Brave Warriors sa B League

Pasok ang isa nanaman Pilipino sa Japan B. League matapos ang pagpirma ni Matt Aquino ng three-year deal kasama ang Shinshu Brave Warriors.

Inanunsyo ng Shinshu kagabi ang pagsali sa kanila ni Aquino, na ika-siyam na Pinoy sa Japanese league.

Pero hindi katulad ng walong iba pa na Pinoy sa B. League, ay maglalaro si Aquino bilang isang lokal.

Ito ay dahil si Aquino, na anak ng PBA legend na si Marlou Aquino, ay may Japanese nationality dahil sa kaniyang ina.

Matatandaan na naglaro si Aquino para sa NU Bulldogs noong panahon nito sa kolehiyo.

Naging miyembro rin siya noon ng Bacoor City Strikers sa MPBL.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *