Maulan na Lunes, asahan sa malaking bahagi ng PH

Magdadala ng pag-ulan ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) at ang northeasterly surface wind flow sa malaking bahagi ng Luzon, bukas.

Ang Metro Manila naman at ibang bahagi ng bansa ay makakaranas ng maaliwalas na panahon.

Ayon sa Pagasa, ang northeasterly surface wind flow ay magdadala ng ulan sa Cagayan Valley, maging sa Batanes Islands.

Maulap na kalangitan at ulan naman ang iiral sa Aurora, Quezon, Bicol Region, Calabarzon, at Mimaropa dahil sa ITCZ.

Samantala, ang low-pressure area (LPA) na kasalukuyang binabantayan ng Pagasa sa kanluran ng Palawan ay inaasahang lalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong umaga, pero may tropical depression na nananatili pa sa labas ng PAR.

Sinabi ng Pagasa na may maliit na posibilidad na ang tropical depression ay pumasok sa PAR. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *