Maulang weekend, asahan na – PAGASA

Patuloy pa ring magpapa-ulan ang low pressure area at Hanging Amihan sa bansa.

Ayon sa PAGASA, huling namataan ang LPA sa layong 225 kilometro Silangan Hilagang Silangan ng Hinatuan Surigao del Sur.

Ang LPA ang magdadala ng katamtaman hanggang sa malalakas na pag-ulan sa bahagi ng Bicol Region, Easter Visayas, Central Visayas, Northern Mindanao, at CARAGA.

Asahan naman ang mahina hanggang katamtamang pag-ulan sa bahagi ng Western Visayas, Zamboanga Peninsula, BARMM, Romblon, at Marinduque.

Dahil dito, asahan na ang mga pagbaha at pagguho ng lupa dahil sa mga tuloy-tuloy na pag-ulan sa mga nabanggit na lugar.

Samantala, Northeast Monsoon o Hanging Amihan ang magdadala ng maulap na papawirin na may kasamang pag-ulan sa Metro Manila, Aurora, Nueva Ecija, at Bulacan.

Amihan din ang magdadala ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may kasamang mahihinang pag-ulan sa nalalabing bahagi ng Luzon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *