Maulap na kalangitan na may ulan sa E.Visayas, Mindanao re: ITCZ

Makakaapekto ang shear line o tail-end of frontal system sa eastern section ng Northern Luzon, habang ang northeast monsoon ay makakaapekto naman sa ibang bahagi ng rehiyon.

Sa forecast ng Pagasa, ang Eastern Visayas, Caraga, Northern Mindanao at Davao Region ay makakaranas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na ulan at thunderstorms na dulot ng Intertropical Convergence Zone .

Ang Batanes at Cagayan ay makakaranas naman ng maulap na kalangitan na may mahinang ulan dulot ng shear line.

Sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region at ibang bahagi ng Cagayan Valley ay makakaranas ng bahagyang maulap na kalangitan na may kasamang isolated light rains na dulot ng northeast monsoon.

Samantla, ang Metro Manila at ibang bahagi ng bansa ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang isolated rain showers o thunderstorms. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *