Maxine Media, ikinasal na

Ikinasal na ang aktres-beauty queen na si Maxine Medina sa kanyang fiance na diving instructor na si Timmy Llana.

Ibinahagi ng Miss Universe Philippines 2016 titleholder ang mga highlight ng kanilang espesyal na araw sa kanyang Instagram Stories habang nag-repost siya ng mga video mula sa kanilang mga bisita.

Bukod sa entrepreneur na si Ben Chan, dumalo at nagbahagi ng mga larawan mula sa kasal ang beauty-queen maker na si Jonas Gaffud.

Maalalang Abril noong nakaraang taon nang magpropose si Llana sa actress-beauty queen.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *