Maxine Medina, muling ikinasal sa kanyang non-showbiz husband

Ikinasal sa pangalawang pagkakataon ang beauty queen-actress na si Maxine Medina sa kanyang non-showbiz husband na si Timmy Llana sa isang Palawan beach wedding.

Kasama sa mga nakasaksi sa seremonya ang mga kapwa celebrities ni Maxine na sina Cassy Legaspi, Rodjun Cruz, Dianne Medina, Ariella Arida, Sanya Lopez, Ritz Azul, Kakai Bautista, Cai Cortez at Thou Reyes.

Idinaos ng mag-asawa ang kanilang unang kasal noong Oktubre 3 sa isang simbahan sa Rizal.

Maalalang inanunsyo ng dalawa ang kanilang engagement noong 2022.

courtesy: Maria Mika Maxine Medina

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *