May 13, regular holiday para sa Ramadan

Ideneklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang May 13 bilang regular holiday sa buong bansa, bilang pag-obserba sa Eid’l Fitr o (Feast of Ramadan).

Sa ilalim ng Presidential Proclamation 1142 na inilabas ng Chief Executive, nakasaad na ang buong bansa ay kailangan magkaroon ng full opportunity na makiisa sa kanilang mga kapatid na Muslim sa kapayapaan at kaayusan sa pag-obserba at pagdiriwang ng Eid’l Fitr.

Sa ilalim nito, ang naturang selebrasyon ay subject sa community quarantine, social distancing, at iba pang public health measures sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ang Eid’l Fitr ay ipinagdiriwang ng mga Muslim sa loob ng tatlong araw matapos ang buwan ng kanilang pag-aayono. // MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *