May-akda ng Anti-Colorum Ordinance para sa mga tricycle sa Olongapo, tiniyak na magiging seryoso ang city government sa pagpapatupad nito

Seseryosuhin ng city government ang pagpapatupad ng bagong anti-colorum tricycle ordinance sa Olongapo.

Ito ang tiniyak ni Konsehal Tata Paulino na author ng ordinansa na nagpabigat sa multa at parusa sa mga mahuhuling lalabag.

Ayon kay Paulino, dahil sa liit ng multa noon na nagkakahalaga lang ng 100 pesos per violation ang isa sa mga dahilan kung bakit marami ang paulit-ulit na lumalabag.

Isa sa inihalimbawa nito ang pagkakaroon ng sariling organisyon ng mga colorum na tricycle at ang lawak ng koneksyon ng mga ito kaya madalas ay natatakasan ang mga enforcer.

Nanindigan din ito na hindi papayagan ang padrino system sa mga mahuhuling lalabag sa bagong ordinansa.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *