May-ari ng isang asong nakatakdang ipa-euthanize, nabigla matapos makita ang kaniyang alaga sa isang adoption web na buhay na buhay

Dinala si Beau ng kaniyang owner sa Montgomery County Animal Services sa Derwood, Maryland, noong March 2023 kung saan ipapa-euthanize na ito matapos dumaan sa iba’t ibang veterinarian clinics.

Binigyan ng initial diagnosis na mayroong liver disease si Beau at isa pang additional diagnosis naman na mayroon itong severe neurological problem.

Makalipas ang isang taon, nakita ng owner ni Beau na buhay pa pala ito at kasalukuyang available for adoption sa website ng Lost Dog & Cat Rescue kung saan una siyang kinupkop ng kaniyang dating owner.

Hindi na pinayagan ang owner nito na muli siyang ampunin sa kadahilanang hindi umano pinahihintulutan ang mga owner-surrendered pets na bumalik sa mga owner nilang binitawan na sila.

Dapat bang payagan bumalik si Beau sa kanyang dating owner o i-welcome na lang ng bagong pamilya na hindi siya iiwan sa euthanizing center? ### Nico Merciales, Intern

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *