May ari ng sasakyan, pinagmulta matapos umabot ang anino ng kotse sa disabled only parking spot

Pinagmulta ng 65 British Sterling Pounds ang isang lalaki sa United Kingdom na si Matthew Cole.

Ito ay matapos na umabot ang anino ng kanyang kotse sa disabled only parking space.

Kamakailan ay nakatanggap ito ng notice tungkol sa illegal parking ng sasakyan na hindi niya lubos akalain.

Sa notice ng The Lewisham Council, mababas na lumabag si Matthew sa parking regulations sa kanilang lugar o sa unmarked bay  kung saan katabi nito ang disabled only parking spot.

Sa larawan, nakita na anino lang ng kotse ni Cole ang nasa parking spot.

Paliwanag nito, simula pa taong 2021 ay palagi na siyang pumaparada ng kotse sa lugar sa tuwing inihahatid ang kanyang anak sa paaralan pero ang paliwanag na ito ay ni-reject ng City Council dahil iginiit ng The Lewisham Council na ang pinaradahan ni Matthew ay para lamang sa disabled person.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *