Dinakip ng pulisya ang isang Collen Magalang Y Laurio 56 Anyos matapos lumabag sa Wild Resources Conservation and Protection Act (27) (F) o R.A. 9147 sa bayan ng Aborlan, Palawan.
Inaresto ito kahapon ganap na alas 6:30 ng gabi sa Sitio Aplaya, Brgy. Ramon Magsaysay, Aborlan, sa bisa na din ng Warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Norferio Barranco Nono ng MTC-Aborlan nitong April 18, 2023.
Mabilis namang nahuli ang suspek sa pinag-sanib pwersa ng Aborlan PNP kasama ang mga Tauhan ng Police Station 2 (PS2) PPCPO, Palawan Intelligence Unit, 2nd SOU-MG, Quezon SBU, 1st Provincial Mobile Force Company, PHPT-Palawan, Regional Intelligence Unit 4B, PALCITIsinagawa ng Tracker -RID at NISGW.
Samantala, batay sa arrest warrant ay may inirerekomendang piyansa para sa pansamantala nitong kalayaan na aabot sa P24,000.00.