Maynila, ika-5 sa may worst public transport system sa buong mundo ayon sa isang pag-aaral

Pang lima sa buong mundo na may worst public transportation ang Maynila ayon sa isang pag aaral.

Ang 2022 public transit sub-index ay bahagi ng Urban Mobility Readiness Index (UMRI) 2022 na ginawa ng think tank na nakabase sa US na Oliver Wyman Forum at ng University of California.

Ika-56 naman sa pwesto ang Maynila sa 60 napiling global cities at panglima sa “worst” sa buong mundo. Nangunguna ang Johannesburg (South Africa), Riyadh (Saudi Arabia), Nairobi (Kenya), at Jeddah (Saudi Arabia).

Ang Maynila ay nakakuha lamang ng 31.9% habang ang global average ay nasa 51.7%.

Sinusukat ng pag-aaral ang mga lungsod sa “”public transit density, efficiency, at utilization rate upang matugunan ang kumpetisyon mula sa mga umuusbong na  mobility service.

Nanguna naman ang San Francisco sa hilagang California sa UMRI habang ang kabisera ng Norway na Oslo ay nanguna para sa sustainable mobility.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *