Nakahanda nang magbigay ng rebate ang West Zone concessionaire Maynilad Water Services Inc. sa kanilang mga konsyumer na naapektuhan ng water interruptions sa lugar na sineserbisyuhan ng Putatan Water Treatment Plants (PWTPs), ayon sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System Regulatory Office (MWSS RO).
Sa isang pahayag, sinabi ni MWSS chief regulator Patrick Ty na base sa isinagawang imbestigasyon ng ahensya, napag-alamang guilty ang Maynilad sa paglabag sa kanilang ipinatutupad na Service Obligation.
Matatandaang napahaba ng naturang water service company ang kawalan ng supply ng tubig na siyang nakaapekto sa mga residenteng sineserbisyhan ng the Putatan Water Treatment Plants (PWTP).
Una nang nag-issue noong Deecember 2022 ang MWSS RO ng notice to explain sa Maynilad dahil sa kawalan ng nararapat na public advisories at notices pagdating sa water service interruption schedule.
#
RELATED STORIES: