Mayon evacuees sa Daraga, nauna nang umuwi sa kanilang mga tahanan bago ang mismong decampment noong Sabado

LEGAZPI CITY – Bago pa man ipatupad ang decampment na utos ng lokal na gobyerno ng Daraga, Albay noong araw ng Sabado, Setyembre 30 sa mga bakwit ng Bulkang Mayon, ilan sa mga ito ang nauna nang umalis at bumalik sa kanilang mga orihinal na tahanan.

Ito ang sinabi ni Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Daraga head Engr. Bhim Dineros sa Brigada News FM Legazpi.

Ayon sakanya, isa ito sa mga dahilang nakapalaman sa isinumiteng joint resolution ng mga barangay officials sa LGU.

Aniya, ang ilan sa mga evacuees ay kusa nang bumalik sa kanilang mga tahanan nang hindi na nagpapaalam sa camp managers.

Dahil umano rito, kumonti na ang bilang ng evacuees na naninirahan noon sa evacuation centers bago sila pauwiin.

Samantala, ilan pa sa mga dahilan ng mga opisyal ay ang sitwasyon ng mga mag-aaral at mga guro sa loob ng evacuation centers na pawang nahihirapan at animo’y napagkakaitan ng kalidad na edukasyon.

Kung babalikan, nito lamang Sabado naganap ang decampment sa mga bakwit na mula sa mga barangay ng Mi-isi, Budjao, Banadero at Matnog sa bisa ng kautusan ng LGU mula rin sa kanilang konsultasyon sa PHIVOLCS at APSEMO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *