Mayor Arandia nirekomendang isailalim sa “State of Calamity” ang coastal areas ng Pioduran Albay dahil sa epekto ng habagat

LEGAZPI-Mismong si Mayor Alan Arandia, alkalde ng bayan ng Pioduran lalawigan ng Albay ang humikayat sa opisina ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council o MDRRMO na magpasa ng resolusyon sa Sanguniang Bayan na isailalim na sa State of Calamity ang coastal areas ng kanilang bayan.

Ito para mabigyan ng kaukulang aksyon at tulong ang nga mangingisdang naapektuhan ang hanap buhay dahil sa Southwest Monsoon o Habagat na nagresulta ng pagtigil sa pagpalaot dahil malalakas ang alon at hangin sa karagatan.

Kung maaalala kasi noong tumalikod na buwan isang malaking bangkang bangka ang lumubog dahil pinilit nitonf tumawid patungong masbate kahit na malakas ang alon.

Ayon naman sa MDRRMO Pioduran, iba umano ang epekto ng habagat sa kanilang bayan kumpara sa nararanasan sa ibang parte ng lalawigan ng Albay.

Sa ngayon pinag-uusapan na kung ano ang magiging aksyon at desisyon ng mga local official hinggil sa isyu.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *