Mayor EdSa ng City of San Fernando, kabilang sa mga kinilalang Outstanding Public Official ng CSC

Tumanggap ng pagkilala si Mayor Edwin Santiago ng City of San Fernando, mula sa Civil Service Commission.

Si Santiago ay kabilang sa mga Presidential Lingkod Bayan o PLB awardees sa buong Central Luzon ngayong taon.

Ang parangal ay dahil umano sa dedikayon at commitment nito sa pagbibigay serbisyo sa publiko.

Naisagawa umano ng alkalde ang isa sa kaniyang adbokasiya na binuo na may temang “Fernandino First: Fernandino ing mumuna, Fernandino ing manimuna,”

Samantala, lubos naman ang pasasalamat ng alkalde sa pagbibigay pagpapahalaga sa kaniyang naisagawa para sa lungsod lalo pa’t patapos na ang kaniyang termino.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *