Mayor Ogena, pina-alalahanan ang mga maiingay na empleyado sa flag ceremony

KORONADAL CITY- MULING ipinaalala ni Koronadal City Mayor Eliordo Ogena sa lahat na mga empleyado ng city hall na sundin ang core values ng lungsod.

Ito ay dahil sa nangyaring flag ceremony sa city hall lobby noong lunes na tila, ayon sa opisyal, parang merkado publiko ang ingay ng mga empleyado habang may nagpepresentang departamento ng kanilang mga accomplishment report sa harap.

Ayon kay Ogena, nilabag umano ng ilang maiingay na empleyado ang dalawa sa eight core values ng lungsod na respectfulness o pagrespeto at discipline o disiplina sa sarili dahil sa sobrang ingay.

Dagdag pa nito na mahalagang pakinggan ng mga empleyado ng lungsod ang presentasyon ng bawat departamento lalo na ang City Planning and Development Office upang malaman ang natapos na ng lungsod na mga proyekto.

Napag-alaman na kabilang sa mga core values ng Koronadal ang Love of God, Love of Country, Respectfulness, Integrity, Discipline, Stewardship, Commitment at Competitiveness.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *