Mayor Rosal, nagbigay ng talumpati at pasasalamat sa mga tagasuporta; status quo ante order ng sc sa alkalde, rerespetuhin umano ni Ex-Cong. Garbin

LEGAZPI CITY – Sa isinagawang pagpupulong kahapon ng mga tagasuporta ni Legazpi City Mayor Geraldine Rosal sa harap mismo ng City Hall, nagbigay ng talumpati at pasasalamat ang alkalde sa mga taong walang tigil na sumuporta sakaniya.

Kung papansinin, ngayon ang ikaapat na araw mula nang magkaroon ng mga pagtitipon sa city hall na dinadaluhan naman ng napakaraming mga tagasuporta ng alkalde at ng asawa nitong si dating gobernador Noel Rosal.

Samantala, kinumpirma naman ng COMELEC na nag-isyu nan g status quo ante order ang Korte Suprema sa alkalde na siya naman umanong rerespetuhin ni AKB Party-list Rep. Cong. Atty. Alfredo Garbin, Jr.

Subalit, sinabi nito na ang desisyon umano ng komisyon ay hindi rin naman binasura ng Korte Suprema, at malinaw naman umanong nanalo siya sa desisyon ng COMELEC.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *