Mayor Vilma Caluag ng City of San Fernando, umalma sa 50% na pagtaas ng singil sa kuryente

Inalmahan ni Mayor Vilma Caluag ng City of San Fernando ang nagbabadyang 50% na pagtataas ng singil sa kuryente.

Sa ginanap na Multi-Sectoral Consultative Meeting kagabi, ipinahayag ni Mayor Caluag ang kanyang pagtutol sa pagtataas ng singil sa kuryente ng electric power provider ng syudad na SFELAPCO.

Base sa inisyal na pakikipagpulong ni Mayor Caluag sa SFELAPCO, aabot sa humigit-kumulang 50% ang itataas ng singil simula sa Pebrero.

Samantala, ipinahayag din ni Caluag na pormal na syang naghain ng sulat sa SFELAPCO para sa kanyang mga katanungan at kasiguraduhan na tama ang rate increase.

Nagpahayag naman ng suporta ang mga sektor ng syudad, tulad ng mga Barangay Captains, Homeowners Associations, and Multi-Sectoral Governance Committee, at iba pa na tatrabauhin naman daw na makapagpasa din sila ng kaparehong sulat sa SFELAPCO at Energy Regulatory Commission, ukol sa mga tanong ng alkalde at mga mamamayan sa hakbang na ito ng SFELAPCO.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *