Mayorya ng mga netizens sa Camarines Norte hindi sang-ayon na ibalik muli ang paggamit ng face shield

CAMARINES NORTE- Karamihan sa mga taga Camarines Norte ay hindi sangayon sa muling pagpapagamit ng face shield sa kabila ng mga nababalitang bagong COVID-19 variant

Sa programang Banat Brigada ng Brigada news FM Daet ay ipinahayag ng mga ito ang kanilang pagtutol sa ideyang ibalik ang faceshield

Base sa ilang mga komento ng Netizens, hindi pagiwas sa sakit ang nagiging benepisyo nito kundi mas malaki ang nagiging pekto sa kalikasan dahil sa dagdag na basurang idinudulot nito

Ayon pa sa ilan, walang tamang basehan na nakakaiwas talaga sa sakit na COVID-19 ang paggamit ng face mask at mas mabuti pa ang tamang pag-i-ingat, pagsuot ng face mask at social distancing upang hindi mahawahan ng virus

Ang usapin ay muling uminit matapos na magpahayag  si Health Secretary Francisco Duque na wala namang masama kung gagamit muli ng face shield ang mga tao lalo na sa mga kulob na lugar at maging sa mga public transportation dahil sa pagdidikit-dikit ng mga tao.

Dito sa lalawigan ng Camarines Norte na kasalukuyan ngayong nasa alert level 2 system ay hindi na inoobliga ang lahat na magsuot ng face shield maging ikaw ay bakunado man o hindi pa

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *