MDRRM sa Camarines Sur nakastandby sa posibleng preemptive evacuation kaugnay ng Bagyong Amang; No Swimming Policy ipinasunod din

NAGA CITY- Ibinandera ang Red Alert Status sa Camarines Sur dahil sa Bagyong Amang kahapon.

24/7 nakabantay ang mga responders at bumubuo ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMC). Activated na rin ang Emergency Operations Center.

Maaga namang pina-assess ang mga MDRRMO sa mga pamilyang dapat na ilikas, kasunod ang nararapat na preemptive evacuation kung kinakailangan.

Ayon kay Caramoan MDRRM Officer Christian Aries Guevarra , kahit na nga inaasahang hihina ang Bagyo sa mga susunod na araw, nakatutok parin sila sa posibleng epekto nito.

Ipinatupad din ng PDRRMC  ang “No Swimming Policy” , maagang inabisuhan ang mga MDRRMs na iparating ito sa mga resort owners lalo na hindi inaasahan ng iba ang pagkakaroon ng Bagyo tuwing Summer kahit na ayon sa PAGASA ay normal ito.

Ipinagbabawal din ang paglalayag o “No Sailing Policy” para sa kaligtasan ng mga bangka operators , pasahero at mangingisda.

Ayon kay Guevarra, mahigpit din nilang pinababantayan ang mga nasa accommodations at coastal barangays sa Caramoan , umabot kase sa 10 libo ang turista rito noong Semana Santa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *