MDRRMC ng LGU Daraga, Albay, nagpalabas na ng advisory na may kinalaman sa tropical cyclone “Paeng”

LEGAZPI CITY – Naglabas na ng advisory ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) ng lokal ng pamahalaan ng Daraga, Albay na may kaugnayan sa tropicla cyclone “Paeng” na nagpapaulan ngayon sa buong rehiyong Bicol partikular na sa lalawigan, kung saan pirmado na ito ni Mayor Awin Baldo.

Batay sa advisory no. 1 ng LGU, nakasaad na inaactivate na ang lahat ng BDRRMCs sa nabanggit na bayan; iniinspeksyon na rin ang mga posibleng paglilikasan ng mga apektadong populasyon at patuloy ang pag-aabiso sa mga residenteng nakatira sa mga flood-prone, landslide-prone, at lahat-prone areas.

Nakasaad din na ang mga miyembro ng MDRRMC at ang kanilang mga personahe ay nakaalerto at patuloy na nagmo-monitor ng sitwasyon sa mula sa mga pinagkukunan ng impormasyon.

Dagdag pa nito, ang LGU Motorpool Head ay naatasan din na maging alerto at sinisigurong ang mga behikulo, ekipahe at mga personahe ay magiging available kapag kinakailangan.

Samantala, ang mga miyembro naman ng PNP, BFP, at PSO ay nakikipag-ugnayan na sa tanggapan ng local DRRM para sa magiging daloy ng paglilikas ng mga residente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *