MDRRMO Canaman nagbabala laban sa dehydration at heat stroke

NAGA CITY – Bagamat wala pang naitatalang kaso o mga insidente ng mga heat stroke sa bayan ng Canaman, Camarines Sur, inererekomenda ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ng bayan sa publiko na dagdagan ang pag-inom ng tubig at kumain na rin ng mga prutas para iwas dehydration ngayong tag-init.

Ito ang nakuhang impormasyon ng Brigada News FM Naga kay Froilan Altamarino, MDRRM Officer.

Aniya, malaking bagay rin kasi ang pag-inom pa ng tubig lalo na kung pawisin at kumain din ng saging na mayaman sa potassium lalo na sa mga mahihina ang resistensya.

Sa kanilang obserbasyon basta’t sumapit na ang alas 9 ng umaga hanggang 3 ng hapon, ramdam ang masakit sa balat.

Wala rin namang mga reported na may mga apektado nang mga live stocks at mga tanim sa bayan. Maging ang supply ng tubig sapat pa ngunit lagi namang nakahanda ang bayan sa mga posibleng mangyari lalo na sa inaasahang El Niño maging sa inaasahang ring bagyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *