CAMARINES NORTE- Maghahain ng ordinansa kaugnay sa Super Batang Kalasag ang MDRRMO Daet sa Sangguniang Bayan sa darating na ika-14 at ika-19 ng Hulyo taong 2023.
Ayon sa ahensya, ang ordinansa na nais nilang maiinstitusyonal ay ang Batang Kalasag Award giving para sa mga kabataang may katatagan at may kasanayan sa mga trainings at community services na posibleng makuha sa pamamagitan ng existing guidelines para itanghal bilang Super Batang Kalasag.
Ang nasabing award ay hindi lang sa mga batang nag aaral pwede dahil magsasagawa rin ng trainings ang ahensya para sa mga out of school youth na nais makiisa sa isasagawang aktibidad kaugnay sa pagpapalaganap ng resiliency sa panahong may kalamidad sa bayan ng daet.
Ang nasabing programa ay inaprobahan na ng Council ngunit para sa malawakang paglunsad nito, kailangan nitong maaprobahan bilang ordinansa.
Samantala, sa ngayon ay ito ang nilalakad ng nasabing ahensya para sa matagumpay na paglunsad ng Resiliency Training.
