Kinumpirma ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Daraga, Albay na sila rin ay makikiisa na’t tutulong sa isinasagawang search and retrieval operation para sa apat na pasaherong sakay ng Cessna 340 plane.
Ayon kay MDRRM Officer Ma. Frances Moral, katuwang umano nila ang Philippine National Police (PNP), LGU Camalig, at Philippine Red Cross sa paghahanap sa Brgy. Quirangay, Camalig kung saan natagpuan ang eroplano.
Sinabi niya, ang nasabing barangay ay nasa loob nan g 6km permanent danger zone ng bulkan kung kaya’t medyo delikado rin ito para sa kanila.
Dagdag pa nito, nasa mahigit isang daan mga tauhan mula sa kanilang opisina ang tutulong sa nasabing operasyon.