MDRRMO Daraga, ipinaliwanag ang aksidenteng nangyari sa Brgy. Kimantong na kinasangkutan ng isang dump truck

Binigyang-linaw ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Daraga ang tungkol sa nangyaring aksidente kahapon sa P-4, Brgy. Kimantong ng nasabing bayan kung saan kabilang ang isang dump truck na tumagilid sa kalsada.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Alex Comia ng nasabing opisina, sinabi niyang nangyari ang aksidente bandang alas dyes ng umaga sa nasabing lugar,at mula raw sa Castilla, Sorsogon ang nasabing truck na may kargang aggregates na ihahalo sa semento napapuntang Camalig.

Aniya, isa itong self-incurred vehicular accident at ayon din sa kanya, ang lugar na pinangyarihan ay accident-prone.

Kinilala ang driver ng dump truck na si Jose Sumido, 29 anyos mula sa Catanduanes na sa palagay nila ay baguhan lamang sa Albay.

Sinabi niya, mula raw sa itaas hanggang sa baba ng nasabing lugar ay mayroong mga nakalagay na signages o road signs upang gabayan ang mga driver at maiwasan ang mga aksidente.

Ngunit sa kanilang palagay, aniya, parang naisasawalang-bahala umano ito ng ilang mga drivers dahil din sa kanilang pagmamadali.

Mabuti na lamang at walang naitalang mga nasugatan ngunit mayroon namang nadamay na mga behikulo tulad ng motor.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *