MDRRMO Guinobatan, Albay, nakatakdang magpatawag ng council meeting para sa paghahanda sa alert level status ng Bulkan Mayon

LEGAZPI CITY – Inaasahan sa susunod na linggo ay magpapatawag ang Local Government Unit (LGU) at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Guinobatan para sa paghahanda ng sa Alert Level 2 status ng Bulkan Mayon sa lalawigan ng Albay.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Joy Maravillas, ang head ng MDRRMO ng nasabing bayan sinabi nito pagkatapos ng council meeting na isasagawa ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ay agad itong magpapatawag bilang paghahanda sakaling itaas sa alert level 3 status ng nasabing Bulkan.

Ayon kay Maravillas, sakaling pumutok ang Bulkan ay apektado nito ang buong Mayon Unit kung saan magsisilikas ang mga residente sa kanilang barangay at ililipat sa evacuation center.

Hindi pa masabi ng ahensya kung ilan sa bawat barangay sa Guinobatan ang apektado dahil sa wala pa umanong pinal na bilang na evacuees na ibinibigay ang PDRRMO Binigyang diin nito na depende sa deriksyon ng hangin ang posibleng mga lugar na maaapektuhan ng ash fall.

Nillinaw rin nito na walang taong naniniirahan sa loob na pasok sa 6km permanent danger zone na malapit sa bulkan.

Samantala sakop naman umano ang Barangay Tandarura, Maninila at iba pang barangay na pasok rin sa 6-km permanent danger zone.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *