Sumabak ang rescuers sa pagsasanay simula nitong Lunes, ika-20 ng Pebrero 2023 bilang aktibong paghahanda sa anumang kalamidad o trahedya na magaganap sa bahaging sur ng Palawan.
Ito ay isinagawa sa munisipyo ng Sofronio Spañola na pinangasiwaan ng Municipal Disaster and Risk Reduction Management Office Sofronio Spañola at ng Municipal Disaster and Risk Reduction Management Office-Narra.
Ang aktibidad ay isang Basic Support and High Angle Training na layong mapalakas pa ang kaalaman ng bawat miyembro sa pag-sagip ng buhay sa oras na kakailanganin.
Ayon sa MDRRMO, bagamat puspusan ang kanilang mga ginagawang pagsasanay ay kinakailangan din umanong magbahagian ng kaalaman.
Samantala, magtatagal ang pagsasanay hanggang sa Huwebes, ika-23 ng Pebrero 2023.