MDRRMO San Marcelino may bagong ng operation at command center

Mapapakinabangan na ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office o MDRRMO San Marcelino ang ipinatayong bagong operation at command center ng bayan.

Kahapon ay binisita ni Mayor Elmer Soria ang pasilidad na isa sa mga prayoridad na proyekto.

Makikita sa command center ang mga bagong  kagamitan para sa pagmomonitor sa sitwasyon ng bayan, maging mabilis, maagap para sa pagpapaabot ng serbisyo sa mga mamamayan lalo na sa panahon ng kalamidad at sakuna.

Matatandaan ang bagong gusali ay isa sa priority projects ng lokal na pamahalaan ngayong taon at ito ay makikita sa Barangay Central.//Michelle Lopez-BNFM OLONGAPO

PHOTO: San Marcelino PIO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *