Measles, Rubella at oral polio vaccination sa Naga, malayo pa sa target

NAGA CITY –Nasa 3rd week na ang City Health Office sa pagpatupad ng Chikiting Ligtas Vaccination Activity subalit nasa 57% pa lamang sa target na populasyon ang nababakunahan para measles, rubella at polio.

Malayo pa sa target na 95% mula sa populasyon na mahigit 40 libong mga sanggol at mga bata na nasa 9-59 months at 0-59 months.

Ayon ito kay Maria Nelia Benito ang head ng vaccination program ng City Government, sa panayam sa kaniya ng Brigada News FM Naga.

Sinabi ni Benito na hirap sila sa pagpatupad ng vaccination sa mga bara-barangay dahil karamihan sa mga magulang ay nagta-trabaho o kaya ayaw pabakunahan ang mga anak nila dahil may private pediatrician ang mga ito.

Aniya’y “struggle” sa parte nila ang sitwasyon na ganito, kaya binago nila ang sistema at ngayon ay nagbabahay bahay na sila kahit araw ng Sabado.

Layunin nito ay upang wala ng dahilan pang tumangi ang mga magulang o guardians ng mga bata.

Nanawagan siya sa mga magulang na pabakunahan ang mga anak nila, para maiiwas ang mga ito sa mga sakit at sa kamatayan kung mapapabayaan. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *