Nakatakdang isagawa ng Professional Regulation Commission (PRC) Bicol ang Mechanical Engineering and Certified Plant Mechanic Licensure examination bago matapos ang buwan ng Perbrero ngayong taon.
Ayon kay Professional Regulation Officer II Jerome Bañes, bago magtapos ang buwan ay may mga schedule pa rin isasagawa ang kanilang tanggapan para sa mga licensure exams.
Aabot sa mahigit 100 examinees ang isasailalim sa mga pagsusulit Pebrero 26-27 ng kasalukuyang taon at isasagawa ito sa testing center ng PRC.
Sinabi ng opisyal, kakatapos pa lamang ng examination para sa Master Plumber nitong Pebrero 19-21.
Samantala, sa darating na Marso ay inaasahan pa ring marami ang nakaakdang mga pagsusulit na isasagawa tulad ng MedTech, Licensure Examination For Teachers (LET) sa Catanduanes, Masbate at Albay.