Medical and dental services at psychosocial activities, isinagawa ng Albay PHO at PGA sa Gabawan Evacuation Center

LEGAZPI CITY – Nagsagawa ang Albay Provincial Health Office (PHO) kasama ang Provincial Government of Albay (PGA) ng iba’t ibang serbisyong may kinalaman sa medikal at dental pati na rin ang iba pang mga aktibidad sa evacuation camp ng Gabawan Elementary School, Gabawan, Daraga, Albay.

Ito ay pinangunahan nina PHO head Dra. Estela Zenit at Gov. Atty. Edcel “Grex” Lagman.

Ang mga naging benepisyaryo ng nasabing aktibidad ay ang mga pamilyang pansamantalang naninirahan sa nasabing evacuation center o ang mga naapektuhan ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.

Ilan sa mga serbisyong kanilang ibinigay sa mga ito ay: medical check-up, dental care and tooth extraction, pagbibigay ng libreng mga gamot, psychosocial intervention for children at family planning services.

Kung matatandaan, nagkaroon ng mga kaso ng COVID-19 sa nasabing evacuation center sa gitna ng banta ng bulkan, subalit ang mga ito ay pawang negatibo na.

Paalala naman ng tanggapan, palaging sumunod sa health protocols sa evacuation center upang maiwasan ang pagkalat ng iba’t ibang uri ng sakit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *