Medical at Burial Assistance maaari pa ring hinging tulong sa DSWD

Nilinaw ng Department of Social Welfare and Development Region 3 na maaari pa ring humingi ng tulong para sa medical at burial sa Kagawaran ang mga nangangailangan.

Ito ay sa kabila ng pansamantalang pagsuspendi ng pagbibigay ng tulong pinansyal sa ilalim ng programang Assistance to Individuals in Crisis Situation dahil ipinoproseso pa ang pondo para sa taong 2023.

Paliwanag ni DSWD Region 3 Information Officer Renier Grospe, dapat lamang masiguro ng hihingi ng tulong na ang ospital o opisina ay tumatanggap ng guarantee letter dahil babayaran ito ng kagawaran kapag nagkaroon na muli ng pondo.

Maliban dito, paalala rin ni Grospe na dapat ay taong 2023 na ang petsa sa mga requirements o dokumentong dadalhin.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *