A1 Priority Group sa 11 bayan at 3 lungsod sa Albay, nabakunahan na ng 1st dose ng Covid-19 vaccine

LEGAZPI CITY – Umabot na sa 99.04 % na ang nababakunahan na sa unang dose sa A1 Priority Group sa lalawigan ng Albay.

Base sa record ng Department of Health (DOH) Regional Office V, 11 munisipyo at 3 lungsod sa lalawigan ang 100% nabakunahan na ng 1st dose sa mga nasa A1 priority group.

Aniya, ang natitirang mga lugar na di pa nakokompleto ang mula sa bayan ng Camalig, Guinobatan, Malilipot at Pio Duran.

Samantalang sa expanded A1 Priority group, aabot na sa 15, 173 ang nabakunahan ng 1st dose.

Kabilang sa naidagdag sa Expanded A1 Priority Group ay mga OFWs, immediate family members ng health workers, additional o newly hired frontliners ng mga health sector tulad ng medical, nursing at health sciences students.

Samantala, nasa 95.81% ang fully vaccinated na kung saan kasama na rito ang nabakunahan ng Janssen vaccine.

Umaabot na lang sa 141 ang remaining unvaccinated sa Albay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *