LEGAZPI CITY – Nagpapatuloy pa rin ang ginagawang medical mission ng pamhalaang panlalawigan ng Albay at Provincial Health Office (PHO) ngayon buwan ng Marso.
Ayon kay PHO Medical Mission Team Coordinatror, Eden Bellen Gonzales, tinatarget nila kasama ang pamahalaan na magsagawa ng kaparehong aktibidad sa mga malalayong barangay, dahil karamihan sa mga naninirahan doon ay hindi nakakapunta sa bayan upang magpatingin sa doktor at bumili ng gamot.
Aniya, ang barangay na rin ang humihiling na mapuntahan ang kanilang lugar upang mabigyan ng libreng serbisyomg medikal.
Dahil dito, nakikipag-ugnayan na ang mga ito sa LGUs kasama ang Municipal Health Office, Rural Health Unit upang mapag-usapan ang mga dapat na ihanda o dalhin sa lugar na pangangailangan ng residente o barangay.
Ang ilan sa mga ibinibigay na serbisyo ay medical, dental and eye check up, libreng mga gamot, libreng gupit, at marami pang iba.