Meet ‘Baby Naruto’ ng Davao City

Naruto Uzumaki Namikaze ang buong first name ng isang baby na taga Matina, Gravahan, Davao City na kapangalan ng isang sikat na anime character.

Sa interview ng Brigada kay Jamesey Maribojo ang ama ni baby Naruto, malalim umano ang kanyang rason bakit napili n’ya ang pangalang Naruto “if alam mo si Naruto Shipuden yun story niya wala siya family na kinalakihan bilang single parent/single dad 24/7 ako nag-alaga sa kanya.”

Dagdag pa nito “una walang naniniwala na full name talaga niya yan kasi tinatawag ko na Naruto marami nag tatanong Naruto talaga pangalan yan sabi ko oo pero di pa full name, mahilig ako manood ng anime mula noon till now.”

Hindi umano nakontento si Jemesey sa Naruto lang na first name kaya isinama narin niya ang apelyedo ng nanay nito sa anime na si Kushina at apelyedo ni Minato kaya ang kabuoang pangalan ngayon ng kanyang anak ay Naruto Uzumaki Namikaze P. Maribojo.

Si baby Naruto ng Davao City ay mag dadalawang taon na ngayong June 3.

Leave a Reply

Your email address will not be published.