Mega Bus patungong Samar sakay ang isang COVID positive at ilan pang Bicolano naharang sa Del Gallego Camarines Sur Border point

NAGA CITY- Naharang sa Del Gallego  Camarines Sur Border Control Point kagabi ang isang Mega bus papuntang Samar na sakay ang isang COVID positive na pasahero at ilan pang Bicolano.

Ito ay ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office.

Napag alaman na 43 ang sakay ng bus; 30 ang papuntang Samar, 6 papuntang Sorsogon , 2 sa Pili,  2 sa Naga City, tig-iisa  sa Ligao , Camalig at  Daraga Albay.

Ang positibo sa COVID-19 ay taga probinsya ng Sorsogon.

Maghihintay ang IMT na sunduiin ang pasyente  ng Provincial Government ng Sorsogon, naka isolate muna ito sa pasilidad ng CamSur.

Ngayong araw ang bus ay e-escortan  patungo sa boundary ng Albay-CamSur  ang bus.

Ang mga residente naman ng Pili sa Camarines Sur ay mananatili sa pasilidad ng lalawigan sasailalim sa swab testing sa ika-7 araw.

Sa imbestigasyon ng PNP Del Gallego sinabi sa BNFM Naga ni PLt. Christian Oida, may mga dokumento naman ang mga pasahero partikular na mga COVID-test results dahil ang bus ay kinuntrata subalit ang konduktor ay nag pick-up ng isang wala umanong mga test result.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ukol sa dapat na mapanagot.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *