Mega vaccination facility ng Naga City, isasara muna

NAGA CITY- Sarado muna ang Mega Vaccination Facility ng Naga City na Jesse M. Robredo Coliseum simula bukas Enero 15 hanggang sa Enero 19, 2022 dahil sa kakulangan ng staff. May ilan kasing nag positibo sa mahigit isang taon nang nilalababang virus.

Ayon pa sa Naga City Government hindi rin tatanggap ng walk-in hanggang ngayong araw Enero 14 tulad kahapon.

Sa kasalukuyan nasa Alert Level 3 pa ang Naga City na may average daily case na 54.

Samantala, naobserbahan ng Bicol Medical Center ang pataas na trend ng positivity rate ng healthcare workers na ng tinatamaan ng COVID-19. Ayon sa pamunuan ng ospital makakaapekto ito sa operasyon kung magpapatuloy.

Sinabi ni Dr. Joey RaƱola ng Emerging and Reemerging Infectious Diseases (EREID), pag iisolate kaagad ng may sintomas ang isa mga pamamaraan upang hindi magkahawa-hawa ang mga tauhan sa pagamutan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *