Meggie Ochoa, Annie Ramirez, at Carlos Yulo, paparangalan ng PSA

Tatanggap ng parangal sa Philippine Sportswriters Association (PSA) sina Asian Games gold medalists Meggie Ochoa at Annie Ramirez, kasama rin ang Asian champion na si Carlos Yulo.

Nakatakda nilang tanggapin ang Major Award mula sa PSA sa Enero 29 matapos i-dominate ang iba’t ibang palaro sa international scene.

Nanguna sina Ochoa at Ramirez sa women’s 48-kg at -57kg weight classes sa 19th Asian Games sa Hangzhou, China.

Samantala, maalalang nanalo ng tatlong gold medals para sa Pilipinas si Yulo, bukod pa sa dalawang ginto sa 32nd Southeast Asian Games sa Cambodia.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *