DA memo sa biofertilizers, baka magresulta sa panibagong fertilizer scam – Agri Group

Maaari umanong magresulta sa panibagong fertilizer scam ang memorandum order ng Department of Agriculture sa paggamit ng biofertilizers.

Ito ang babala ng Agricultural group na Samahang Industriya ng Agrikultura o SINAG  kahapon , kasunod ng pagpapalabas ng Memorandum Order No. 32 ng DA na nagtatakda ng guidelines sa pamamahagi at paggamit ng mga biofertilizers upang mapabuti ang rice production sa bansa.

Sa memorandum order, sinabi ng DA,  na ang paggamit ng dalawang bag ng inorganic fertilizer urea kada ektarya ay nagkakahalaga ng ₱4,000 habang ang napili nitong biofertilizer ay maaaring palitan ng hindi bababa sa dalawang bag ng urea nang hindi sinasakripisyo ang ani.

Makakatipid raw higit sa ₱2,000 bawat ektarya kung ang halaga ng biofertilizer ay mas mababa sa ₱2,000 bawat ektarya.

Ngunit sinabi ni SINAG chairperson Rosendo So , ang batayan para sa MO 32 ay may depekto mula pa sa simula. Ang halaga aniya ng urea ay ₱1,100 na lamang kada bag. Sa dalawang bag kada ektarya, ang halaga ng urea ay ₱2,200 lamang kada ektarya, taliwas sa  MO 32 na ₱4,000 kada ektarya.

Binanggit din niya na ang paggamit ng mga biofertilizers sa commercial scale  ay hindi pa napatunayang magreresulta sa mas mataas na ani at cost efficiency.

Sumulat na ang SINAG kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nagsisilbi rin kalihim ng agrikultura at kay Sen. Cynthia Villar, na namumuno sa Senate committee on agriculture and food upang hingin ang kanilang immediate intervention upang bawiin ang MO 32.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *