Memphis nasilat ang Warriors sa play-in tournament, OT 117-112

Nasilat ng Memphis Grizzlies ang Golden State Warriors sa play-in tournament para makuha ang huling playoff spot sa Western Conference.

Pinangunahan ni upcoming star Ja Morant ang Memphis matapos humakot ng 35 puntos, 6 rebounds, at 6 assists.

Nag-ambag din para sa Grizzlies sina Dillon Brooks ng 14 puntos at 12 puntos mula kay Grayson Allen kabilang na ang krusyal back-to-back 3-point shot sa overtime period.

Samantala sa kabila ng matinding depensa nagawa pa rin pumuntos ni 2-time MVP Stephen Curry ng 39 points para pasanin ang kanyang koponan.

Dahil sa panalo makakaharap ng Memphis ang no. 1 seed na Utah Jazz sa 1st round ng NBA playoffs habang ang GSW ay tuluyan nang natapos ang 2020-2021 season.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *