Menor de edad at 2 pang lalaki, arestado matapos magnakaw ng mga motorsiklo

Arestado ang labinglimang taong gulang na lalaki at ang dalawa pa nitong kasama matapos magnakaw ng mga motorsiklo sa magkakaibang insidente.

Kinilala ng Pasig Police Office ang mga suspek na sina Marcel, Jalal at Sam na siyang kasalukuyang menor de edad pa lamang.

Nahuli ang mga nasabing suspek sa naging joint follow-up operation ng Manggahan Police Substation, Ortigas Police substation at Miguel Police Substation kasama na ang Intelligence Section, Station Drug Enforcement Unit at SWAT Team.

Naaresto ang mga ito matapos mahuling minamaneho ang mga nakaw na motorsiklo sa Amang Rodriquez Avenue.

Nakitaan naman din ang mga suspek ng .38 caliber na baril, dalawang ammunition at isang granada sa ginawang body search.

Sa kasalukuyan, nasa ilalim na ng kustodiya ng Pasig Police ang mga naaresto habang kinakaharap ang kasong RA 108333 o “Carnapping Act”, RA 10591 o “Comprehensive Firearms And Ammunition Regulation Act” at RA 9516 o “Illegal Possession of Explosives.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *