Huli ang isang 16 anyos na menor de edad matapos na pagnakawan ang isang guro sa isang barangay ng Roxas Palawan noong Biyernes, February 24, 2023.
Ayon sa Municipal Welfare and Development Office (MSWDO) ng Roxas nahuli umano ng guro ang bata na dala nito ang kanyang bag na naglalaman ng 1600Php cash at Cellphone na nagkakahalaga ng Php 15,000 pesos.
Kahapon ay nakarating ito sa MSWDO kung saan agad na pinuntahan ang menor de edad upang isailalim sa counseling.
Ayon kay Jaspher Bacuel ng MSWDO, may dating record na sa opisina ang bata sa kaparehong krimen.
Samantala, agad din naman pinauwi ang bata matapos pangaralan.