Menor de edad, patay; 2 sugatan sa aksidente sa Infanta, Quezon

Patay ang isang menor de edad habang sugatan naman ang dalawa pa matapos masalpok ng motorsiklo ang sinasakyang motorsiklo ng mga ito sa Purok Rosal, Barangay Lual, Infanta, Quezon nitong Miyerkules, Marso 29.

Ayon sa report at base na rin sa pahayag ng isang saksi, binabagtas noon ng motorsiklo na minamaneho ng menor de edad na biktima ang direksyon patungo sa Barangay Bacong nang masalpok ito ng kasalubong nitong motorsiklo na minamaneho ni Celso Francia, 23-anyos, CAFGU, residente ng General Nakar.

Dahil dito, nagtamo ng pinsala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang menor de edad at maging ang dalawa nitong pasahero kung kaya agad na isinugod ang mga ito sa hospital para malapatan ng lunas subalit idineklara ring dead on arrival ang driver.

Samantala, lumabas rin sa imbestigasyon na mabilis ang pagpapatakbo ni Francia at nasa ilalim rin ito noon ng impluwensya ng alak. Kaugnay nito, nakumpiska rin kay Francia ang isang unit ng 38 Revolver Pistol na may lamang apat na piraso ng live ammunitions.

Kasalukuyan ng nasa kustodiya ng awtoridad si Francia na nahaharap sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide, Multiple Physical Injury in relation to R.A. 7610 at R.A. 10591 o Comprehensive Law on Fireams and Ammunitions Act.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *