MENRO Daraga, Albay, nagsalita na ukol sa sangkaterbang langaw na namemerwisyo na sa ilang barangay sa bayan mula sa isang manukan

LEGAZPI CITY – Makalipas ang mga pagsisikap ng mga residente sa ilang mga barangay sa Daraga, Albay na kunan ng pahayag ang kinauukulan tungkol sa sangkaterbang langaw na namemerwisyo sa kanila mula sa isang manukan, nagbigay na ng pahayag ang Munipal Environmental and Natural Resources Office (MENRO) patungkol sa isyung ito.

Positibong mula sa Six in One Corporation (SIOC) sa Brgy. Mayon ang mga langaw na nakakaapekto na rin kahit sa ilang mga barangay, ayon mismo sa pagkukumpirma ni MENRO Officer-in-Charge, Engr. Johnvic Grageda sa Brigada News FM Legazpi.

Ayon sa kanya, nakarating na sa kanila ang mga reports and complaints, at kanila nang ipinatawag ang korporasyon para sa isang technical conference noong isang linggo.

Aniya, ang naturang isyu ay lumalabas tuwing harvest season ng SIOC, at inamin din mismo umano ng korporasyon na mayroon silang kakulangan sa pamamalakad at pagharvest ng kanilang mga produkto, kung kaya’t nagkaroon ng napakaraming langaw sa kanilang mga gusali.

Sa isinagawang conference, nag-require aniya sila sa korporasyon ng permanenteng solusyon para sa nasabing isyu.

Sinabi niya, ang kanilang tanggapan kasama ang RHU at iba pa ay bumuo ng composite team upang gumawa ng operasyon, kung saan nangako sila na sa loob ng isang linggo ay masosolusyunan na ang nasabing problema.

Asahan umano na bukas ay magsasagawa sila ng inspeksyon sa bisinidad, sa paligid ng korporasyon, maging sa ibang mga lugar na apektado, at anuman ang magiging resulta nito, saka sila gagawa ng recommendatory move kay Mayor Awin Baldo kung ipagpapatuloy pa ang operasyon o kung mag-iisyu na ng cease and desist order.

Matatandaan, kamakailan ay isang residente mula sa Brgy. San Ramon ang nagpost sa social media tungkol sa isyu sa SIOC na matagal na nilang pinoproble.

Makikita sa ipinadalang mga larawan at videos, naglagay na sila ng kulambo sa kanilang bahay upang maging pansamantalang proteksyon sa langaw.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *