MENRO plant nursery cum crop museum, sinisimulan nang itayo sa bayan ng Bulan

Sinisimulan na ngayon ang konstruksyon ng permanent plant nursery cum crop museum sa Barangay Somagongsong sa bayan ng Bulan, Sorsogon.

Ayon sa Municipal Environment and Natural Resources Office o MENRO, may lawak ang nasabing greenhouse na 2Km square meters para sa punla na gagamitin sa mga programa ng kanilang opisina.

 Malaking tulong umano ito sa bayan lalo na at nasa proseso sila ng pagpapadami ng mga fruit bearing trees na gagamitin sa 1M Tree Challenge ng Pamahalaang Lalawigan.

Sa ngayon, mahigpit na mino-monitor ng MENRO ang mga naitanim na seedlings sa lahat ng mga barangay ng bayan para masiguro na mabubuhay ang mga ito at mapakikinabangan sa mga susunod na taon.

Samantala, sa bayan naman ng Donsol ay nagsagawa na rin ng site inspection ang LGU sa kanilang agri- eco park sa Barangay San Isidro at nursery sa Barangay Rawis.

Dito kukunin ang mga itatanim na mga punla sa buong bayan ng Donsol bilang kanila namang tugon sa panawagan ng Pamahalaang Lalawigan na magtanim ng mga puno.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *