Mental health disorder sa lalawigan ng Sorsogon tumataas; psychological first aider, dapat na dumaan sa pagsasanay

Tumataas ang bilang ng mga mayroong mental health disorder sa lalawigan ng Sorsogon. Ito ang kinumpirma ni Provincial Health Office  Development Management Officer at Mental Health Coordinator Regina Gonzalgo sa panayam ng Brigada News FM.

Bagama’t hindi na nagbigay pa ng detalye hinggil dito, sinabi nito na kumpara sa nakalipas na dalawang taon  partikular na sa kasagsagan ng pandemya sa Covid-19 ay mas mataas ito ngayon.

Samantala, sinabi ni Gonzalgo na mahalagang interbensyon ay ang pagbibigay sa mga ito ng psychological first aid at mental health psycho social support.

Gayunpaman, kanyang binigyang diin na ang nasabing mga tulong ay dapat na ibinibigay ng mga taong nakapagsanay tungkol dito.

Aniya, ang problema kasi umano sa mental health ay hindi basta basta, kung kaya dapat na ang mga taong may sapat na kaalaman tungkol sa psychological first aid at mental health psycho social support ang magbibigay nito.

Aniya, dito kasi ay agad na nilang nadedetermina kung kailangan na ng pasyente na ma-irefer o sumangguni sa doktor gaya ng mga Municipal Health Officers kung saan counselling naman ang kanilang ibinibigay sa mga hindi severe o malala ang karamdaman.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *