Meralco, hiniling sa CA na i-lift ang TRO para sa power supply deal

Naghain ang Manila Electric Company (Meralco) ng petisyon na naghihimok sa Court of Appeals (CA) na tanggalin ang temporary restraining order (TRO) na pumapabor sa South Premier Power Corporation (SPPC).

Ayon sa Meralco, na ang pagbibigay ng TRO ay hindi nakakatulong para sa interest ng general public.

Matatandaan na noong Nov. 24, naglabas ang CA’s 14th Division ng TRO na nagsususpende sa pagpapatupad sa power supply agreement (PSA) sa pagitan ng Meralco at SPPC.

Ang petisyon ay inihain matapos ibasura ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang rate hike petition na inihain ng kaparehong electric companies.

Giit ng SPPC, nakagawa umano ang ERC ng grave abuse of discretion sa pagbabasura sa kanilang rate increase petition.

Pero depensa ng Meralco, na ang paglift sa TRO ay magbabalik lang sa senaryo at magsisilbi at magpoprotekta sa publiko mula sa unnecessary burden ng increased electricity costs.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *